Wednesday, June 12, 2013

Dahil ang busy ko lang!

Mwahahahahahah! Ako na! Ako na ang busy-busyhan mode! Actually busy pa rin ako gang ngayon kaso gusto ko magsulat ng something man lang dito. Tagal ko na di nadodocument ang buhay ko, eh napaka-interesting pa naman! Hahaahhahha! AS IF!

What happened since last post:
- nanalo ako! on 2 issues dito sa work, I was able to put my foot down and I got my way. Usually, I don't really do anything pro-active kahit feeling ko naapi na ako. Habang kaya ko naman to just let it slide, I'll just ask questions (info gathering kumbaga) but I don't really do anything substantial para matigil ang kung ano mang kabullshitang nangyayari. I usually just bitch about it to my friends and sinisiraan ng todo yung mga taong tanga na naeencounter ko. Pero this time, di ko na natiis. Email galore. Meeting galore.

Akala ata nila uurong ako. Eh suicidal ako ngayon (in terms of work, hindi sa buhay). Ginagawa ko trabaho ko as required by clients at ng konsensya ko na rin kasi di ko naman kaya mang-iwan ng trabaho sa ere. Pero alam mo yung anakngtipaklong, sige kantiin mo pa ako... sige gawa pa kayo ng kabullshitan na sadyang mali lang talaga. Eh ginawa nga. Potek annoyed rhinoceros mode na ako. Attack lang ng attack! Buwis trabaho. Bahala na kung mapagtripan ng senior management. I DON'T CARE! Basta alam kong tama ako. Sabi nga, bahala na talaga ang Diyos. Kung gusto niya naman na manatili ako sa trabahong to, I don't think there'll be anything that will cause me to be fired. And if God wants me out of this job, there won't be anything that will keep me here din I guess.

So ayun, isip ko talaga... bahala na. Pikon na ako. Diyos na bahala sa akin. Tanggalin man ako, wala akong pakialam. Basta OA na sa kagaguhan 'tong mga hayup na to. Kung matanggal man ako, siguro may iba naman akong mapupuntahan... baka better pa dun.

Eh kaso... apparently, di ko pa time umalis sa kumpanyang to. So andito pa rin ako.

Medyo natakot lang ako kasi I've been invoking God's name tapos sa isang sentence nagmumura rin ako. Well sabi kasi nila mura daw yung ibang words sa taas, pero sa utak ko talaga hindi mura yung gago at tanga... description talaga sila. Kaya magdadagdag na rin ako additional note below.

Add'l note:
As my friends know, hindi ako yung ulirang Kristiyano. I do try to be a good one, but I usually fail when I try to do it on my own. I sometimes forget to ask for His help kasi feeling ko anggaling ko lang at yun nga... sabi nung kanta... I'm only human and humans forget". But I do pray to "remind me, remind me.. Dear Lord." Pero naniniwala ako sa Diyos. I believe that in His own time mangyayari lahat ng kailangan mangyari if it's according to His will.

Pinag-pra-pray ko talaga na i-will ng Diyos na mapunta sa akin na boytoy ay pogi, mayaman, macho, matalino (hindi tanga), hygienic, hindi masungit, matapang, at funny. Asan na kasi yun?  Hahahahahhaahaha!

No comments:

Post a Comment