Wednesday, September 21, 2011

My eyes!!! My brain!!!

ARAAAAAAAAAY!!!!

Top Scan

Homaygeds!!! Sawang-sawa na ako mag-top scan! 50+ modules na ata yung nabuksan ko for this task! Bakit ba hindi uso yung documentation dito sa cliente namin??!!!

OUCH NA MY BRAIN!!!

Thursday, September 15, 2011

Mayabang ako ngayon!

Ok fine... di naman to latest news... EH KASO DI NAMAN AKO UP TO DATE NA TAO! hahaah! office-bahay lang ako and I rarely read or watch news... and OK fine... considering na araw-araw ko dinadaanan ang Ateneo... I should have known this earlier pero hello!!! Kung kilala mo ako... alam mo rin na I'm always running late so wala akong oras tumingin-tingin sa kung saan-saan kung hindi siya parte ng kalsadang dinadaanan ng kotse ko! So kung may tarp ka sa gilid ng kalsada... it's just the same as a tarp on the 30th floor of a building... i.e. DI KO MAPAPANSIN.

So kanina... habang naglalakad ako dito sa Katipunan... on the way home na dapat... (btw, galing bahay hanggang Jollibee Katipunan... (Abada Side, hindi yung sa Petron) isang oras na lakaran rin pala! Pero siguro kaya ng mas mabilis kung hindi ka na-a-amaze sa lahat ng bagay na nakikita mo gaya ko... Sorry.. ngayon ko lang nalaman na marami pa palang part ng Katipunan na di ko pa nadaanan before... considering na 3 and a half years rin akong tumira dito.... a story to tell in another post...)

ANYWAY... as I WAS SAYING... kanina... pauwi... biglang nakita ko... Si Fr. Jett na pala yung President ng Ateneo! 30th, apparently.

Hahhaha! Mayabang ako by association! Why you ask?! Siya kaya thesis adviser ko! Ano ngayon kung thesis adviser ko siya? Hello!!! A kaya ako sa Physics na thesis ko!!! Binigyan niya ako ng A! So by transitivity, an Ateneo President gave me an A for something I accomplished!

O DI BA?!?!? Ang galing galing galing galing ko!??!! Hahhahaahahahahaah!

Kaso... pari siya... baka naawa lang siya sa akin nun... baka sumusunod lang siya sa Bible verse na:  Blessed are the merciful: for they shall obtain mercy.

BUT I DONK KIR! A pa rin ako! A!!!! Hahaha! Bumagsak man ako samga Mathematical Physics ko... Binigyan pa rin ako ng A ni Fr Jett! Hahahahah!

Kaso sa pagkaalam ko... yung padawan niya yung nag-gr-grade sa amin... kasi yun naman talaga yung naka-hands-on sa aming mga undergrads.... Shet! kung hindi dahil sa mercy yung A ko... dahil naman siguro kasi nagagandahan sa akin yung mentor namin... HAHAHAHAHHAH!

But no! Magaling ako!!! I refuse to believe otherwise... For today at least.

Congrats Fr. Jett! Hehehe! Kahit di mo na ako naaalala. Naomi Palabrica po. BS PSCE 05-06. Yung isa po sa mga binigyan niyo ng A. Hahhaah!

Thursday, September 8, 2011

Invisible

Amazing!!!

Alam ko maitim ako... pero this was the first time I was ever treated as if I was invisible.

Tangina... weird!

I saw someone who I thought was still a friend. Big mistake. Apparently, di niya na ako kaibigan... or kilala man lang.

I didn't feel like napahiya ako or anything kasi alam ko naman sa sarili ko na kilala ko siya and I was still treating him like a friend when I greeted him. Di rin naman ako nasaktan... kasi hello lang! As if ang laking kawalan niya sa buhay ko. And no... I am not sourgraping. Di pa nga ako gaanong malungkot kasi di ko na rin naman siya nakakasalamuha talaga. Ang malungkot lang I think would be that my memories of him as my friend once would be tainted.

And why should they be tainted, you ask. Kasi apparently, he was not who I thought he was all along... and that is the saddest thing of all.

Wednesday, September 7, 2011

Masaya... pero Gutom!

Wahow! nagrun na ng matino yung items namin!!! WAHOW!!!

Kaso tomguts na ako... antagal ni Olive!!!

Hehehe... antayin ko na si Olivia kasi malamang sa malamang magyayang kumain yun pagkarating... at least pag sumabay ako sa kanya... isang beses lang ako kakain!

Sana lang hanggang next week di siya magkaproblemaaaaaaa!!!! Hayshiyeeeet!!!

Production - You make me crazy!!!

Hindi naman ito yung unang job na naimplement ko sa Prod... di pa nga ito yung pinaka-critical na naimplement ko since extract lang to... di naman siya totally walang kwenta kasi feed naman siya kahit papano sa kabilang system...

but why o why!?!?!? bakit ako nanlalamig kakaabang na matapos yung run niya!??!?!

POta!!! alam mo yung pag nanonood ka ng game na sobrang brutal tapos participant eh kaibigan mo... gusto mo manalo siya pero naheaheart attack ka sa thought na manood kasi masakit lang manood...

Ganun yung nararamdaman ko ngayon... gusto ko mag-run siya ng maayos... pero naheheart attack ako sa pagmonitor s takot na biglang mag-abend ito... ayus na naman yung adhoc runs niya saka yung test environment runs... PERO SHET! HIRAP MAGPIGIL ng panlalamig ng paa at kamay ha!!! (besides sa malamig aircon namin). Yung puso ko ngayon parang nakalutang lang sa dibdib ko... di ko alam kung lulutang o kung biglang babagsak sa iba kong internal organs...

SHET!!!