Thursday, June 30, 2011

STRESS!!!

Ok! Naghanap ako ng trabaho sa isang TL dito...

In fairness binigyan niya naman ako ng task... i-document yung decommissioning process!!!

POTA! Di na ako nilubayan ng decommissioning na yan!!!

MAYGARDS! Siguro oks lang kung mabilis yung koneksiyon namin dun sa isang remote desktop... BUT NOOOOOOOOOOOO!!! Singkupad ng mga kotse sa C5 kapag biyernes ng gabi ang koneksiyon dun!!!!

Pag nagscroll-down ka... lipat ka ng remote desktop... magbasa ka muna email, reply sa fan mail, mag-sudoku ka muna.... pagbalik mo dun sa ni-scroll down mo earlier... WALA PA SIYA DUN SA DULO NG WINDOW NA NI-SCROLL MO!!! O kapag sinuwerte ka... naka-hang pa siya!

Pakshet! AYOKO NA UMANGAL!! PERO TAENA SOBRANG ni-PAPATRONIZE LANG AKO NITONG TAENG TL NA TO WITH THIS TASK! POTA!

ISTATWA

SHIYET!!!! Batong batong batong batong bato na akoooooooooooo!!! Konti na lang pwede na kami ipagtabi ni Rizal!!!!

Gusto ko na mag-code! Leche puro decommissioning napupunta sa akin!!!! NAKAKASAWA NAAAAAAAAA!!!! Wala akong bagong natututunaaaaaaaan!!!!

ANG SARAP MANG-AGAW NG SPECS!!!! Leche kasi yung taeng restructuring na yan!!! GUSTO KO NA MAG-CODE!!!!

Theme song ko na naman:

Nanaginip ng gising... nakatulala sa hangin...
Nagsusumidhing damdamin... specs na lang ang akin!

POTAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! BOREDOM! LUBAYAN MO AKO!!!

Kung dati naubusan na ako ng website na pupuntahan... ngayon... ubos na ebooks ko, website na pupuntahan, mangga na gustong basahin... potaena pati mga daydream ko mauubos na rin!!!!

SINO ANG NAUUBUSAN NG DAYDREAM!?!?! SINO!?!? GANUN AKO KABATONG-BATO!!!!

Tuesday, June 28, 2011

POTA! Wala na naman akong ginagawa!!!

ANg hassleeeeeeee!!! Meron ako supposedly gagawin kaso taena naman kasi sa bagal yung proseso!

Di ako makagalaw kasi nag-aantay na naman ako ng feedback galing sa cliente! Shiyet!

NAKAKAGIGIL NA GUMAWA PERO DI KA NAMAN MAKAGALAW!!!!

HAPPY ANNIVERSARY TO US!!!

Amazing!!! 1 year na ako sa kumpanya ko ngayoN! akalain mooooooooooo!!! 1 year ago... spirit questor/HR ni mother pa ako!

Tapos ngayon mag-iisang taon na akong kumikitang kabuhayan ulit!

Hmmm... I wonder... parating 28 yung pasok ko sa mga kumpanya na pinapasukan ko...

Sa Indra... August 28,2006 ako pumasok (December 31, 2009 naman ako lumayas)...

Dito naman... June 28, 2010 ako pumasok... hmm... kelan kaya ako lalayas dito? hahahaha!

Monday, June 27, 2011

OCTOBER Here I COME!!!

Relaks! Relaaaks!! RELAAAAAAAAAAAAAAAAKSSSS!!!

Taenaaaaaaaaaaaaa!!! Sinong excited!!!!?!?!? AKOOOOOO!!!!!

Confirmed na yung booking ko sa Low's Peak na Via Ferrata + Timpohon Ascent + Mesilau Descent sa Mt. Kinabalu!

Tapos na-book ko na rin accomodations ko sa Kota for the entire week!

Konting training na lang para di ako mamatay, ipon pa ng konting kashing kashing, ihanda ang mga dadalhin and I'm good to go!!!

Hahahhaah! Tae! Akala mo next week na ang alis ko eh no?! But nO! Sa October pa! But nevertheless, excited pa rin ako! WAHOW!

Konti na lang lulutang na ako dito sa kinauupuan ko! Hahaahahh!!! ANG SAYA SAYA SAYA SAYA KO LANG!!!!

Nasabi ko na ba? I AM SO EXCITED!!!! HAhahhahah!

103 DAYS TO GO!!!!!

HANGLAMIG!!!

Tanginaaaaaaaaaaaa!!! Naninigas na ako ditoooooooo!!!

Isipin ko na lang... nagbuburn ako ng calories... defense mechanism ng katawan ko para di ako mamatay na lang bigla dito sa lamig.

ASA!

Pakshet ANG LAMIIIIIIIIG!!! Nasa equator ako supposedly... at supposedly kumukulo ang kilikili ko sa init! But nO!!!! Taena amoy sabon pa rin kilikili ko sa sobrang lamig!

First time ko ata umangal sa kabanguhan ko! Paker!

Leaves

Wahahaahha! pakshet!

Meron pa akong 13 na VLs. Minus yung 3 for Bohol sa August, and minus 5 for Kota sa October... meron pa akong 5 VLs for the rest of the year!!! Wahow! Taena!

At meron rin akong 8 SL pa! pakshet! kaso andaming nabawas sa sweldo ko dati paker! di ko naman kasi alam na kailangan i-earn yung SL dito! SHIYET!

Heniweis... buti na lang puro fake mga SL ko... well except yung dalawang araw pala... hahahha! Tae! naka-pitong fake SL na rin pala ako! Hahaha! Taena... akala ko naman kasi dati pwedeng ubusin bigla yung mga SL sa first quarter... hay naku! Bakit kasi kung kelan nabawas na sa sweldo ko lahat lahat eh saka ko lang nalaman yung mga technicalities! shet!

Hahaah di bale! NEXT YEAR alam ko na pano ako didiskarte sa mga leave leave na yan! ahhaha!

Sunday, June 19, 2011

Maki-uso kaya ako...

Bakit ang daming buntis bigla!? Ok... 2 sa pamilya namin... tapos isang kaibigan. Yung dalawa ni-joke ko lang ng Happy Father's Day tapos biglang totoo pa la na magiging tatay na sila! tae!

Pero AYUS! mga bagong baby na naman... pero bakit feeling ko nagsulputan bigla sila?hahhhah!

Tae! tumatanda na akoooooo!!!

Nung gradeschool... uso saranggola, chinese garter, piko, dampa, jackstone, at kung anu-ano pang larong pang-kids...

Nung highschool... uso sa mga lalaki tumitig sa mga salamin na baon nila sa school at ang metal/alternative rock bands; sa aming girls, nagsimulang umuso yung mga pagkahilo sa sangkatutak na codenames ng mga crush namin at ang walang kamatayang boybands.

Tapos, noong college... umuso naman ang debut na a-attendan.

Ngayon, biglang ang uso na eh kasalan at buntisan sa mga kaedad ko... well actually...now that I think about it... uso rin pala yun noong college hahaha!

I dread the days na magiging uso na ang libingan.

CONGRATS SA MGA BUNTIS!!! And Happy father's day sa mga totoong tatay at sa mga magiging bagong tatay! :)

Wednesday, June 15, 2011

Mga puno sa buhay ko....

Sobrang hirap lang gumawa ng family tree ko... nauubusan ako ng space sa papel. Pito sila Papa, walo naman sila Mama. Kung sa Visio ko gagawin o kaya sa cartolina/manila paper (guys, remember those!?!? yung ginagamit natin for visual aids pag narereport tayo a long, long time ago!!! NUNG HINDI PA USO YUNG whiteboards, glassboards, projector, laptop at microsoft powerpoint!!! Hahaha!)... keribels siguro.

Mabuti na nga lang at youngest tatay ko at panganay si Mama... so kahit pano kung mag-attempt man ako... medyo may semblance of order naman yung family tree namin kasi pde ko ipagtabi yung pangalan ng tatay at nanay ko tapos organized pa rin yung pagkakasunod sunod ng pangalan according to age on both sides! O ha!

Kaso... besides sa tinatamad ako, di ko kilala lahat ng first cousins ko sa Papa's side ko (kasi matatanda na yung iba at yes.. medyo magulo kasi may mga singit na asawa on the side yung isa kong tito... hahahahah! oops! yung lolo ko rin pala kay Mama! May singit! Potaena! Pamilya ko na ang sobrang hanep ang kapit sa moralidad! Hahahaha!), eh feeling ko.... sa dinami dami ng pipols involved... kahit pa Visio ang gamitin ko... di maglalaon (yeheees kelan ko kaya huling ginamit yung word na yan! Filipino paper nung college malamang! Hahahaah!) eh magugulo rin lahat!

Kaso kahit gaano kagulo yung family tree ko... PAK DAT SHET SA GULO YUNG POTAENANG JOB TREE NA TRINATRACE KOOOOOOOOO!!!!

Galing galing kasi nung isang tao dito kung makasuggest!!! Na-impress lang dun sa flowchart ko nung isang araw gusto lahat na ng ide-decommission may flowchart na! Sarap batuhin sa ulo ng DOS-POR-DOS na gawa sa totoong Narra TREE!!

Absentee Blogger

Anaknangshet... 12 days rin akong di napadpad dito.

Wala rin kasi akong maisip ikwento... meron naman akong mga minor kwentos kaso tinatamad ako isulat. Di ko pa feel.

Ewan wala akong ganang magsulat these past few days. Wala lang.

Buong May, ebooks inatupag ko. Last week medyo nabigyan kami ng trabaho so medyo tutok muna.

Wala sobrang wala talaga akong kwentong nakaka-excite ikwento! Taena sino ang boring ang buhay!?!?

Kung meron man akong makitang medyo nakakatawa... naiisip ko tandaan para lang may maisulat ako... kaso pag nasa harap na ako ng monitor... wala na... hangin na lahat. Gusto ko na lang mag-trabaho. WAW AS IF! Hahahhah! Ang sipag ko lang!

Pero kasi! Walang happening na captivating enough para maitsapwera ko yung trabaho at hand at maexcite ako enough para magsulat about it.

BOTTOM LINE: ANG BORING BORING NG BUHAY KO NGAYON!

Friday, June 3, 2011

Judgmental ako!

Dati... niloloko ko pa sarili ko na mabuti akong tao.

Ngayon. I know better.

I do try to be better. PERO ANAKNANGPATING SA HIRAP MAGPAKAMABUTI HA?!?!

Lalo na kapag biglang dumating yung TL mo na super duper bakat yung areola! Oo! Di lang nipol! Pati areola!!!

And no! HINDI SIYA BABAE!!!

TAENAAAAAAAAAA!!!! BAKIT!?!?!1 BAKIT?!?! BAKIT KAILANGAN MAPANSIN KO YUN?!?!?!

Ahm... siguro kasi super duper extra fitting yung pakingshet na tshirt niya!?!?!?!

Matagal na umaangal yung mga kasama ko dito sa office tungkol sa attempts niya in wearing fashionable clothes... i.e. ala K-pop artists layering combo and super lang sa sikip na shirts and outfit. Hindi  naman nila inaangal yung weird combos eh... umaangal sila sa kabakatan... na dati naman di ko masyado pinapansin... except ngayon! KASI HANEP LANG TALAGA!!!

For a while there... napaisip ako about the benefits of being blind.

Wednesday, June 1, 2011

I'm old...er now.

Pag naglalakad ako... usually, sa daan ako nakatingin. Hindi sa mga kasalubong ko. Blame it on fear of embarassment sa pagkakadapa.

Kanina, habang naglalakad galing parking... sa may 7/11... as usual... nakatingin ako sa dinadaanan ko.

Tapos biglang may mga naririnig akong gaggle of voices coming from my right... so wala lang... maingay lang sila like I am pag kasama ko mga kaibigan ko.

Tapos biglang nagregister sa akin na ako pala yung sinisigawan nila... "Ate! Ate! badminton tayo!"

Di ko nakilala agad kasi medyo against the light sila... na-weirduhan lang ako kasi kinakausap nila ako at niyaya ako magbadminton... tapos narealize ko... Ah! eto yung mga fresh grad na trainees sa office na nakalaro ko nung Sabado!

Tapos pagtingin ko... may mga raketa sila... ako naman tong inggiterang palaka "Magbabadminton kayo?!" (sad inggitera voice) Sila naman: "Oo! Tara! Sama ka!"

Tapos tingin ako sa oras kasi feeling makakasama talaga ako kahit wala naman akong sapatos at medyas na dala. 730pm. Tapos narealize ko ulit... "ay... hehe! Papasok pa lang ako eh!" PAKER!

Hahahhahahaha! habang papalayo ko sa kanila... narealize ko... "TAE! Ate tawag nila sa akin!?!"

I AM OLD... er NOW!