Tuesday, January 14, 2014

Evolution of my Cellphones

1997. This was the first time I got a cellphone and only because I had to leave home to study in a school far, far away. I remember the service was provided by SMART Communications. I don't really remember what the brand of the phone was but it looked very, very, very similar to the pic below. Yes, including the phone cover. Saktong sakto sa bulsa ng palda ko nung high school.


1998. Upgraded to Panasonic GSM. Globe na ako starting from this point. 0917-415-8714 yung number ko dati. Kaso nawala ko yung sim nung around 2003-2004 sa HK kasi magaling ako. Kaya wala na! Downgraded to a 0927 number ako. I forgot the exact model name, but I had the exact model shown in picture below. Naupgrade lang kasi biglang bumili yung tatay ko ng Nokia 5110 and he had no more use for his phone, so he gave it to me. Yey me! Ang cool ko kasi lumiit yung phone ko!

 
1999. NOKIA 5110 in da haws!!!! Again, donated by father dear. Bumili kasi siya ng Nokia 8210. Kaya akin yung tira-tira niya na naman. Mas cool yung sa akin kesa sa picture sa baba kasi haller! personalized yung cover! May eagle! Hahaha! Napunta to sa kapatid ko when I got my next phone.


2000. Ang una kong brand new na cellphone after my 1997 phone. Dahil naloko ko ang tatay ko! Mwahahah! Labyu pa. Sabi niya kasi pag nag-top ako sa batch namin for that quarter bibilhan niya ako ng bagong cellphone (alam niya kasing imposible). Sabi ko... Pa, masyado naman imposible yan. Pag nag-top na lang ako sa class namin, sabi ko. Sabi niya, Sige kahit sa class niyo na lang. Hindi ko naman alam na papayag siya. Sabi ko, pramis Pa? Bibilhan mo ako ng bagong cellphone pag nag-top ako sa class namin? Sabi niya, oo nga bibilhan kita. Naalala ko nasa Davao kami ng time na to. Dun kasi siya assigned nung time na yun. Ang hindi niya alam, lumabas na yung results for that quarter, hahahaah! Nag-top na ako sa class namin (for that quarter lang! hindi ko alam anong milagro nangyari sa quarter na yun). Sabi ko, Pa tara punta na tayo ng mall. Top ako sa class ngayong quarter! AHAHAHHHAHAH! Hello 3310! Hello SPACE IMPACT! Ang cool ko dati dahil sa Space Impact! Ako lang may game na ganun sa cellphone ko!

2002. Hello 6310i! Yes don't forget the i! hahaha! Di ko actually alam ano yung difference ng may i saka yung wala. Alam ko lang may i yung model nung akin. Ito yung favorite cellphone ko ever. So sleek and simple lang. Masakit lang sa bangs yung kulay ng screen kasi yellow. Pero coolness na yun dati. Nawala yung 0917 SIM ko habang pinapalitan ko yung SIM sa cell na to with a HK SIM.. kasi MAGALING AKO! Dinonate ko yung 3310 ko sa pinsan ko.

2003. Dahil nagpakyut ako kay Papa! Hello my dahon phone! Ito na yung pinakamatagal kong cellphone to date! Nokia 7600. May bluetooth! At may camera! Hallernesss!!! At mukha pang laruan! Sino ang cool?!?! AKOOOO!!!! hahahahaha! This phone lasted for 6 years.


2004. Dahil umuso ang SUN sim dahil sa unlicalls. Napabili kami ng  ganito sa Greenhills.

Well, mukha siyang ganito... pero not exactly Nokia kasi naghanap lang kami ng mumurahing cellphone. Akala namin Nokia nabili namin, pero pagkauwi sa bahay... upon inspecting our cheaply bought new phones... NOIKA pala yung brand niya! hahahah!

So I had my 2003 and 2004 above.... pero di naglaon inabandona ko rin yung NOIKA ko at yung dahon phone ko na lang natira sa akin... hanggang sa maghikahos ito nung 2009. And even then, I had hard time letting go. Kung di lang kami pupuntang Thailand nun at di ko kailangan ng mas reliable phone na hindi kailangan ng flashlight para mabasa ko yung messages kasi bumigay na yung backlight niya.... di pa ako bibili ng phone....

Kung kaya naman... noong 2009. I bought my phonena hanggang ngayon eh phone ko pa rin! MABUHAY ANG XPRESS MUSIC NOKIA 5130i!!!! Don't forget the I!

Eto siya noon...


Pogi di ba?!?!? Pero eto na siya ngayon after mahigit 4 yrs...

Ayus pa rin di ba? Kung hindi nga lang sana 8 hours lang yung buhay niya...

Iniisip ko palitan... ng Xpress Nokia ulit hehehehehe! Ayoko kasi ng touch phone... unless bigyan ako di naman ako tatanggi... pero I like the functionality of this phone. May tab na ako na medyo kumakain na sa oras ko kasi mababa EQ ko... di ko na kailngan dagdagan ng smart phone yung buhay ko. Isip ko pa ano next phone ko.... ano kaya ok? Ayoko naman bumalik sa black and white na phone. Or yung black and yellow. Kahit pano naman naappreciate ko naman aesthetics at radio capabilities nitong xpress Music... iniisip ko kung may better model which is not a smart phone. Hanap hanaP!

WHY AM I SO WISE!??!?!!?

My wisdom teeth are killing meeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!
Nagpapanonobra na tak tango ha ak baba!!!!!!!!

Thursday, January 2, 2014

HELLO 2014!

Bye 2013.
Hello 2014. 

Yan parati ang drama sa bagong taon. 

New Year Resolutions? I don't really believe in those. I believe in trying to reinvent yourself to becoming a better you every chance you get, hindi lang sa New Year.

But then again, January is always a good place to start. Kaya makikisawsaw na rin ako sa bandwagon and say THIS IS IT!!!!

2014 Here I come!!!!

I am not delusional enough to say na magiging matibay ako sa mga "resolutions" ko. I'd probably fail somewhere along the way... pero as long as di ako malumpo... babangon at babangon ako! HUHA!

Things to work on:
- savings, be consistent. Wag tamarin pumuntang bangko para magdeposito.
- eat healthy. Wag tamarin magprepare ng pagkain.
- read your Bible and pray everyday. Yep, kinakanta ko to sa utak ko.
- sleep enough. Wag masyadong adik sa games, movies, koreanovela. Chill lang, anjan pa rin yan bukas.
- mag-exercise tuwing umaga... or gabi... whatever works. Again, wag tamad!
- maglinis ng bahay. Totohanin ang threat sa magulang na itatapon ko na yung mga gamit nila na hindi nila kukunin sa bahay. Chos! As if kaya ko i-threaten magulang ko. Dito... dito ako mahihirapan. Hahaha!

Priority:
- be more vocal about my beliefs. Di dapat ikinakahiya maniwala sa Diyos at manindigan sa kung alin ang tama at mali. I tend to shy away from conversations involving religion. Ok, not really religion. I could not care less about religion. It does not do anything for me, wrong religion at least. One must know the distinction between religion and believing and following God. The 2 are not always exclusive. 

As I was saying, I tend to shy away from conversations involving God because I do not want to be involved in an argument that I could lose. Debate wise, alam ko pwedeng pwede kasi ako matalo. And boy do I detest losing. Not that hindi ko paninindigan yung paniniwala ko, more that alam ko kasing kulang ang kaalaman ko para makipag-debate ng live. Hindi ako yung tipong kayang humugot ng kaalaman para depensahan yung pinaninindigan ko ON THE SPOT. Kailangan ko umupo, pag-isipan, at i-research ang mga bagay-bagay. 

Saka, isa pa. Hindi rin kasi ako perpektong tao. Mahirap kasi magsalita na akala mo maka-Diyos ka kung yung buhay mo mismo does not exactly reflect God's ways. Sabi nga nung kanta, I try, oh my God, do I try. Kaso sabi nga rin sa bibliya, "the spirit is willing, but the flesh is weak."

But then again, sabi nga nung tatay ko dun sa kaibigan ko na di naniniwala sa Diyos because of the inconsistencies in the life of Christians who profess Christ: "Christ is perfect. The Gospel is perfect. Do not blame the Gospel for the inadequacies of man."

In short, tao lang ako nagkakamali, pero perpekto ang Diyos ko. Di ko man kaya depensahan ang sarili ko, ang Diyos ko, at mga katuruan niya sa mga argumento ng mga tao dito sa mundo para i-justify yung mga ginagawa nilang kamalian, I know God has my back. Siya na bahala.