Thursday, July 12, 2012

Dahil sobrang inspired lang ako... NOT!

Hehe! tagal ko na rin pala di nagsulat dito...

Howell... wala rin naman ako masyadong nakakatawang kwento at lalong wala akong eureka moment at, buti na lang, wala ako masyadong na-e-encounter na annoying shitheads sa ngayon :)

So... all's good! Medyo depressing rin pala pag steady lang lahat... wala ka masyadong masasabi...

Kaso... ang korni naman kung yun na yung huli kong sasabihin dito... so magsasabi na lang din ako ng mga bigla kong naisip....

NOOOOOOOOOO!!!!! mag-2-twenty-eight na ako sa NOV!!!!!!!

Hahahahah! di naman ako takot tumanda.... at hello?! as if matanda na ang 28! pero kasi!!!! Hahahahahah!

Ang dami kong expectations for myself by age 28!

  1. Dahil bata pa lang ako eh chubby na ako (akala ko... kahit hindi naman! Sabi ni King, hot daw ako nung college according dun sa college pics na nakita niya! hahahaha! love you King! Wag ka magselos Kai!), akala ko by age 28 eh super sexy ko na! Anak nang tipaklong eh by age 28 pala eh mananatiling golden memories na lang pala yung ka-sexyhan ko! Potek! Gang ngayon di pa rin bumababa timbang ko! BAKIT KASI ANG SARAP KUMAIN!?! at bakit kasi di na ako naeengganyo magpaka-active?!
  2. Akala ko rin by age 28 may pamilya na ako... hehehe buti na lang wala pa... kasi kahit gano ka-adorable ang mga kids... di pa ako mature enough for them... at higit sa lahat... wala pa akong enough kashing-kashing for kids maintenance! At siyempre di ko prinoblema ang non-existence ng groom! Ahahhaa!
  3. Speaking of kashing-kashing.... akala ko may milyon milyon na akong savings by now!!! Hahahahahahaahah! What a laugh!
  4. Akala ko rin nasa Europe na ako nakatira ngayon. Hahahahahahah! Kaso... since wala ako nung milyon milyon na salapi na akala kong magkakaron ako... eh malamang di ako makakatira sa europa di ba?! Hahahah!
So far.... yang apat lang na yan yung naalala ko na medyo naisip ko before...

Kaso ulit! Sa lahat ng yan... parang #1 lang yung pinakamadali... hehehe yun lang yung di kailangan ng pera eh... although parang siya rin yung pinakamahirap... kasi siya yung nangangailangan ng matindi-tinding disiplina sa sarili...

Pota... kung yan yung gagawin kong list of goals for myself... baka mabaliw ako.

Grocery checklist na nga lang muna yung titingnan ko para man lang may sense of accomplishment akong ma-feel! Hahahah!
DREAM BIG!!!

No comments:

Post a Comment