Monday, July 16, 2012

Taking One for the Team

Nagkita kami ni Jeanz last weekend. Highschool girl friends reunion dapat... kaso since busy yung iba last Sat at malabo na yung sched ko for the succeeding Saturdays till Aug 11... tinuloy na rin namin ni Jeanz kahit kami lang dalawa.

Si Jeanz yung super friend ko ng hyskul since freshman year. Kaso nag-away kami ng second year kasi sobrang deep lang namin dati! Hahahaahah! Maka-Backstreet Boys kasi siya at ako naman eh Boyzone... pero dahil sobrang logical lang namin dati, eh Code Red ang pinagawayan namin! hahahahahha! Wooohooo Battle of the Boy Bands! Hahahaha!

Anyway... as usual reminisce moments na naman... tapos biglang nakwento ni Jeanz na pinag-rap pala sila ni Ma'm Ron dati! Kaso di ko alam kung selective amnesia ba or baka di ko lang siya kaklase sa class na yun... pero di ko talaga maalala na pinag-rap kami ni Ma'm Ron. Medyo naghahalo-halo na kasi yung memories ko nung hyskul... Di ko na maalala masyado kung sino yung kaklase ko nung second, third, at fourth year.

Si Ma'm Ron pala yung isa sa mga naging Filipino teachers namin... in short... yung assignment nila na Rap ay dapat in Filipino! Hahahahaahah! At siyempre, typical of very mayabang and tamad Pisay students... yung mga homework na ganun eh ginagawa usually 1hr to 30 mins before class starts.

So ayun daw, gawa na daw sila ng rap nila before class. By group daw pala yun, 2 girls + 2 boys. Tapos yung style ata eh mag-babattle yung dalawang boys then yung dalawang girls naman next na mag-babattle. Nakapag-rehearsal pa raw sila for 10 minutes bago mag-start ng class.

KASO... Little did they know...

Nag-invite pala si Ma'm Ron ng panel! HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHHAHA!

Actually ok pa rin naman dapat... nakapag-practice naman sila kahit pano....

Yung unang group daw nag-present na (Anavic, et al.), ayus daw.

Sila yung second group... (Jeanz + Cynthia, Adrian + Jercon)... so...

GAME ON:
 - Battle na ng rap si Jercon at Ade... so far, so good... (kahit feeling ko basura yun kasi hello! 1 hour prep! At as far as I know... wala ni isa man sa kanilang may career ngayon sa music industry! Hahaha!)
- Moment na ni Jeanz at Cynthia...
- Titigan daw sila...
- Walang nagsasalita...
- BLANK mga utak nila... apparently, Filipino rap prepared 1 hour prior to class combined with a surprise panel to boot = TABULA RASA!
- napapahiya na sila... kasi nagtitigan lang sila... nang biglang....
- ADRIAN TO THE RESCUE!!!!!!!!!
- Bigla raw sumayaw si Ade sa harap... tapos yung worm/snake arm dance ata... HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA! tapos tinitingnan daw sila ni Ade na parang... "sabayan niyo ako sumayaw!!!"
- kaso... sobrang shocked lang silang tatlo (kasama si Jercon sa na-shock) kasi wala naman sa prinaktis nila yung sayaw! Hahahahaahahahahahahahahahahahhahahaha!
- last picture --> a group of 3 shocked highschool students looking on a desperate looking, classmate na sumasayaw para lang di bumagsak sa isang Filipino Rap presentation! Hahahaahhaahhahaahhahahaah!

Di ko alam pano tinapos ni Adrian yung presentation nila.... basta sabi daw ni Ma'm Ron sa kanila...

PINAHIYA NIYO AKO SA COLLEAGUES KO!!!!!

Hahahahhaahahah! Sabi ni Jeannelle, "Hello! Sino nagsabi sa kanya na magdala ng surprise panel?!"

Hahahahha! Pero kung ako yung colleague ni Ma'm Ron... feeling ko sobrang mae-enjoy ko talaga yung presentation na yuN! hahahahhahahahahahahahaha! Taena tawang tawa talaga ako pag naiimagine ko si Adrian na sumasayaw trying to save the day! hahahahahahahahahha!

Thursday, July 12, 2012

Dahil sobrang inspired lang ako... NOT!

Hehe! tagal ko na rin pala di nagsulat dito...

Howell... wala rin naman ako masyadong nakakatawang kwento at lalong wala akong eureka moment at, buti na lang, wala ako masyadong na-e-encounter na annoying shitheads sa ngayon :)

So... all's good! Medyo depressing rin pala pag steady lang lahat... wala ka masyadong masasabi...

Kaso... ang korni naman kung yun na yung huli kong sasabihin dito... so magsasabi na lang din ako ng mga bigla kong naisip....

NOOOOOOOOOO!!!!! mag-2-twenty-eight na ako sa NOV!!!!!!!

Hahahahah! di naman ako takot tumanda.... at hello?! as if matanda na ang 28! pero kasi!!!! Hahahahahah!

Ang dami kong expectations for myself by age 28!

  1. Dahil bata pa lang ako eh chubby na ako (akala ko... kahit hindi naman! Sabi ni King, hot daw ako nung college according dun sa college pics na nakita niya! hahahaha! love you King! Wag ka magselos Kai!), akala ko by age 28 eh super sexy ko na! Anak nang tipaklong eh by age 28 pala eh mananatiling golden memories na lang pala yung ka-sexyhan ko! Potek! Gang ngayon di pa rin bumababa timbang ko! BAKIT KASI ANG SARAP KUMAIN!?! at bakit kasi di na ako naeengganyo magpaka-active?!
  2. Akala ko rin by age 28 may pamilya na ako... hehehe buti na lang wala pa... kasi kahit gano ka-adorable ang mga kids... di pa ako mature enough for them... at higit sa lahat... wala pa akong enough kashing-kashing for kids maintenance! At siyempre di ko prinoblema ang non-existence ng groom! Ahahhaa!
  3. Speaking of kashing-kashing.... akala ko may milyon milyon na akong savings by now!!! Hahahahahahaahah! What a laugh!
  4. Akala ko rin nasa Europe na ako nakatira ngayon. Hahahahahahah! Kaso... since wala ako nung milyon milyon na salapi na akala kong magkakaron ako... eh malamang di ako makakatira sa europa di ba?! Hahahah!
So far.... yang apat lang na yan yung naalala ko na medyo naisip ko before...

Kaso ulit! Sa lahat ng yan... parang #1 lang yung pinakamadali... hehehe yun lang yung di kailangan ng pera eh... although parang siya rin yung pinakamahirap... kasi siya yung nangangailangan ng matindi-tinding disiplina sa sarili...

Pota... kung yan yung gagawin kong list of goals for myself... baka mabaliw ako.

Grocery checklist na nga lang muna yung titingnan ko para man lang may sense of accomplishment akong ma-feel! Hahahah!
DREAM BIG!!!