Friday, March 2, 2012

Machoor na ba ako?

HOMAYGEDS!!!! what is happening to me!!! Ngayon ko lang napansin...

Sa DZMM na nakaset yung radyo ko sa kotse.
92.3 naman sa cellphone ko, kasi yun lang yung may news...
at ang nilolook forward ko na TV show... DOS POR DOS sa DZMM TeleRadyo.

Hahhahahah! Shiyet! ISDIZMEEEEH???

Naalala ko pa nung college... tinanong ako ni Patrick (blockmate ko, valedictorian ng batch namin) kung ano pinapakinggan sa portable radio player ko na ninenok ko kay Papa... (wala pang radio phone nun, o kung meron man di pa ganun kauso sa Nokia, at lalo namang wala pang ipods).

AKO *medyo kilig kasi may itsura si Patrick at sabay kami papuntang History class* : "FM."
Patrick: "Dapat AM pinapakinggan mo para aware ka."
AKO *turned-off... taena matalino nga, pakialamero naman*: "Gusto ko lang makinig ng tugtog."

Hahahahahaha!!!! Akalain mo nga naman isang dekada muna ang kelangang lumipas bago ko sundin yung payo ni Patrick. Taena... 1 year older lang naman siya sa akin... pero apparently, 9 years gap namin sa utak! Hahahaha!

At sige na nga aaminin ko na rin...

Kaya di na ako masyado nakikinig sa FM
  • Nag-aala-Miriam yung presyon ko pag naririnig ko yung mga DJ in between songs. Nakakairita. Salita ng salita wala naman kwenta yung usapan nila. Meron naman mga aminado na panglaftrip lang talaga yung pinaguusapan nila at nakikitawa rin ako sa ganun... kaso... mas madalas sa hindi eh puro utot (i.e. hanging di kaaya-aya) lang naman binubuga ng mga naabutan ko sa radyo.
At kaya rin naman ako nag-aabang ng DOS POR DOS kasi:
  • Una, yun yung naabutan ko sa TV pagkauwi.
  • Pangalawa, ang kyut kasi ni Tonying eh! Hahaha! Nakakatawa sila ni Gerry, aylabet!
hmm... so di pa rin nga ata ako ganun kamachoor. Hahahha!

No comments:

Post a Comment