Friday, October 14, 2011

GRAVY, KALAMANSI, TOYO, HAKAW, BABOY, LOMI...

Isang tulog na lang matitikman ko na kayo uliiiiiiiiiit!!!

Siguro meron naman dito hakaw or lomi or other noodles... kaso hello lang!!! di ko alam pano at san ko sila oorderin!!!

Bakit ba kasi Pilipinas lang ang may gravy sa mga fastfood!?!?!?!?

Sunday, October 9, 2011

DAY 1/2: HAY AM SICK!!!

Taenang yan!!! Nilalagnat akoooooo!!! at sinisipon!!!

Hahaha! Naaawa ako sa roommates ko kasi sa malamang at malamang eh humihilik ako! Kasi hello lang! Di lang naman ako makahinga ng matino! Tapos yung mga kasama ko pa sa room eh apat na intsik na ala-Hubert rin yung gustong temperature ng kwarto... mga polar bear.

So lagnat + polar bear temp room =  SUPER DUPER LAMIG! Pakerpeys... Kaso... shy ako... so di ako makasabi... hahahaa! Besides, naisip ko... nilalagnat naman ako so maya-maya lang iinit rin yung kama ko dahil sa temperature ko! Hahhahaha! Homaygeds! AKo na! Ako na ang hindi war freak! I am so timid!

Namiss ko tuloy si Kai... kasi kung andito yun... sumisigaw na yun ng: "I want to talk to your manager!!!!" Hahahhaha!

Pakdatshet! At least, isip ko, di pa naman ngayong araw yung akyat ko. Bukas pa naman, so may oras pa ako magpagaling. Camown! Camown! Camown! Immune System don't fail me now!!!

Buti na lang talaga pinabaunan ako ni Mama ng gamot. Insisting pa naman ako na di ako nagkakasakit. Taena! Mali pala ako... for now. I love Mama! As in kompleto pinabaon sa akin, Paracetamol, Tuseran, Bioflu, at Neozep! aylaveeeet!!!

Anyway, gising pa ako kasi ginising ako ng pantog ko... at in fairness, pagkagising ko... medyo mataas-taas na yung temperature. Finifigure out siguro ng mga roommates ko kung ano yung ingay na naririnig nila kaya nila pinahinaan yung aircon.... tapos narealize nila... okay, we hear mucus! Kelangan di na pababaan ang temp ng room kasi baka biglang maging kulangot yung sipon ko at mabara na ng tuluyan yung nasal cavity ko at since sounds like naghihikahos yung bibig kong magdala ng oxygen sa katawan ko eh mamatay pa ako dahil dun.

 Anyway, pag-check ko ng time kanina, 2am... at dahil nasa tuktok ako ng bunk bed... eh halos ayaw ko gumalaw kasi ayoko naman mang-gising ng taong natutulog sa baba ko di ba? Eh kaso, narealize ko.. either magigising siya sa galaw ko habang bumababa ako ng kama... or magigising siya kasi tumutulo na yung wiwi ko sa kanya... at napagtanto ko... Hmmm... feeling ko mas gugustuhin niya magising sa galaw ng kama kesa sa tumutulong mas mainit than usual na wiwi dahil nga may lagnat ako! Am I brilliant or what?! I KNOW!

I am brilliant!

Wala pa ako masyadong fun kwento... sana may fun naman na mangyari sa akin sa trip na to... fun as in nakakatawa... hindi yung fun as in total adventure... kasi I read somewhere that an adventure is a trip that you survived where everything went wrong. Kasi kung di ka nag-survive, tragedy or total kaengotan na yun. And besides, hello!? Parati nga akong tama di ba? Ayoko naman ma-wrong na naman ako.. Once or twice is enough. Next time ko na ikwekwento yung pang-twice na kamalian ko. Medyo masakit pa sa damdamin eh.

NEGZ TAYMS! Pahinga na muna ako... I will survive!!!


Saturday, October 8, 2011

Tonight... I dine in Kota!

WAHOW ! Wahow!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! THIS IS IT NA IT!!!!

Excited na ako... pero natatakot at the same time!!!

SHEEEEEEET!!! Matagal ko na sinasabi na gusto ko i-try yung trip na ako lang, pero now na andito na siya... nanginginig na akooooo!!! Hahhahah! Taena!

Matagal na naman ako nagtratravel ng mag-isa, pero kadalasan may kasama ako parati dun sa kung san man ako pupunta. This time... WALA!!!

Natawa pa ako kay Mama kanina... siyempre concerned si motherhood...

Mama: Alam mo na kung san yung mga tutuluyan mo?
Ako: Siyempre!
Mama: May susundo ba sa yo pagdating mo dun?
Ako: Ma, alam ko mukha akong prinsesa... pero walang susundo sa akin dun! Di rin ako pulitiko dun... so malamang mag-bu-bus lang ako!

Ready na naman lahat ng tutuluyan ko... pero shiyet sa lahat ng shiyet!! My heaaaart! I'm so heart attack... Sana di ako maubusan ng English... basic Malay lang ang prinepare ko!!! yung mga thank you, sorry, good bye at good morning lang! Tapos dagdagan ko na lang ng ngiti... Taena, charm!!! Don't fail me now!!! Di man ako sexy (minsan), di man ako kagandahan (at times)... alam ko adorable ako parati!!!! (Unless naka-war mode ako)...

Let's camown!!! Excited na ako magsabi ng: Terima Kasih!


Saturday, October 1, 2011

Of Radios, DJs, Annoying DJs, at mga kantang di ka na nilubayan... (Part 1)

RADIO

My earliest memory of a radio station is the one which hosted Bombo Radyo... AM! Yun kasi yung kinakagisnan ko every morning kapag kasama namin si Papa. Yun kasi yung paborito niya pakinggan kasi dun mo mababalitaan kung may bago na naman bang inambush yung mga NPA.

Alam niyo naman... sa linaki-laki ng Samar at sa sobrang kasukalan ng terrain nito... idagdag mo pa yung mga walang-kwentang pulitiko na wala ng naitulong sa development ng highways ng probinsiya namin... eh naging paboritong hang-out na ng mga NPA yung Samar. The more difficult the roads are to maneuver, the easier it is to ambush people! Feeling ko, friends yung mga pulitiko ng Samar saka mga NPA dati... Substandard kalsada kasi yung mga pinapagawa madalas, so madalas masira... meaning, mas madalas may ambush! Kaso medyo matagal na akong di nakakauwi... so di ko sigurado kung kamusta na mga kalsada dun... i.e. kung BFFs pa ba yung mga politicians at yung mga mahilig mang-ambush ng sundalo.

Heniwei... dahil mas maka-TV ako kesa sa radyo... my next encounter with the radio was in highschool... kung kelan we visited a local radio station, second year HS... actually, di ko alam kung FM ba sila or AM.. basta alam ko lang sila yung nag-pro-produce ng drama sa radyo... yung mga tipong Matud Nila (i-google mo na lang kung di mo 'to alam). Dinala kami sa room where they do the recordings. Andun na rin sa room yung mga props that they use to make the sound effects... a small door... small meaning, duwende sized door... to save space, I gathered, and a pair of high heels and regular shoes for the running/walking away sound effects, I guess. Tapos pinakilala kami sa mga voice talents, i.e. yung mga voice-actor ng dramas...

Dun ko narealize that a voice indeed is a many splendored thing... Hahhahaha! May flamboyant gay person kasi na actor, may regular guy, tapos may girl... so ayun start na sila magbasa ng scripts nila... LAKING GULAT KO LANG NUNG MAGSALITA YUNG BADING! Mas lalaki pa yung boses niya dun sa regular guy!!! Hahahhahaah! I know that anyone can do different voices.... pero kasi di ba???! Pag nakikinig ka sa radyo, you always assume that what you hear is what you get... apparently, this would be one of the very few things where I'd be wrong! Hahahah!

So anyway... my next Radio-related encounter was when we had a part-time DJ for our History teacher... pogi na sana (actually crush siya ng mga kaklase ko.. matangkad at may itsura) kaso... parang may schistosomiasis (pronounced SIS-TO-MYA-SIS in pinoy slang haha!)... bloated yung tiyan niya... di naman sa ini-insulto ko yung bloated tiyan niya kasi hello lang! Ako rin bloated tiyan ko ngayon (btw, sexy pala ako dati di ko alam, akala ko mataba ako kasi I was basing my size on my petite cousin... malay ko ba na may body frame pang paepek epek.. if only I had known it then... mas nakapagyabang sana ako! ahhahaa!!) Anyway, Yep! Let's call it that.. bloated! It will eventually unbloat. I wish, hope, and pervently pray.

As I always, I digress. Ayun malaki tiyan ng teacher ko na yun... eh kaso ang tangkad tangkad tangkad niya tapos tingting yung katawan niya... so imagine a stick drowing na biglang may 3D na bola sa tiyan. Weird di ba?! Medyo di nakakaencourage maging motivation/inspiration sa pag-aaral... AS IF! hahha!

My last memorable radio encounter na nag-aaral pa ako was during college... Dinonate ng tatay ko yung JVC radyo niya sa akin... with a CD player, tapos may auto-tuning ng stations! AMAZING!!! (was what I thought back then. Hello!! When you're used to turning knobs and just depending on your fingers' dexterity to get the best reception there is... MILAGRO ang auto-tuning! Hahahaha!)...

Anyway, I used to listen to Jam! 88.3 kasi they used to play jazzy tunes... Eh si Jenggy, my oldest boardmate was into Jazz... so medyo nadamay ako... pero kasi minsan siyempre may tunes rin na di mo type... so kahit papano... you check out other stations...

Then one early morning... I don't really remember what day... hehehe! I discovered a station na sobrang nakakatawa lang yung pinaguusapan ng dalawang DJs parati... it was a feel good station... they were Chico and Delamar... I actually didn't know their names... basta tawang-tawa lang ako sa mga usapan nila na naabutan ko. Actually, minsan yung tawa kasi nila contagious kaya natatawa ka na rin kahit minsan di mo gets hehehe... Anyway, siguro 5 years later ko pa malalaman yung pangalan nila... OO! HINDI AKO UP TO DATE NA TAO!

Then I forgot about radios again kasi medyo sumingit na yung real life... binubugbog na ako ng kurso ko at biglang umuso ang pagiging nocturnal... Ay onga pala.. biglang dumating nga rin pala ang Smallville, Meteor Garden at kung anu-ano pang ka-lechehan sa TV at siyempre pa... ang walang kamatayang computer games at onga rin pala... biglang umuso ang CD-ripping at mp3s.