Monday, April 4, 2011

Pandora

Haym scurred!

Hahaha! Putangina! Di pa naman to sure... pero pinaguusapan daw ng officemates ko yung blog ko kanina at hinahanap ata nila! hahahha! Tawang-tawa lang ako kasi sabi nung isa... "Buhay ni *d*n" ba yun?! Hahahhah! in fairness he got the "Buhay" part! Hahahaa! Sabi ko na lang! OO! hanapin niyo lang *d*n! Tapos lalabas na yun! shet baka lumabas nga tong post na to pag ni-google nila yung *D*N... kaya gagawin ko na lang A = * hahaha! Para safe!

Sa dinami-dami ng sinabi kong ka-bolsyetan dito... especially yung grossed out na grossed out ako na post. Friends, alam niyo na kung ano yun! Kasi ang kapal lang ng mukha ko dun... but nevertheless, wala pa rin ako balak mag-retract kasi hanggang ngayon "YUCK" pa rin ang masasabi ko sa pangyayari!

Wala lang hehehe! Ayoko naman isipin nila na ang kapal ng face ko... pero kasi yuck lang talaga! Bakit ba!?!

Pag nagkataon magpapalit ako ng blog name at site address! homaygeds! SHET! Sana napagusapan lang nila at di naman talaga nila hanapin! ahahha! Kasi unlike multiply... pdeng basahin ng lahat yung blogspot...

Pero sabagay... sila yung maghahanap at magpupumilit magbasa nito... so ang masasabi ko lang! Beware of Pandora's Box! Kung di nila kaya ma-take... Tough! Eh sa yun nararamdaman ko eh!

Ok di na ako scared... I'm brave again! Hahahah!

I feel the burn!!!!

Pota! feeling ko may angles na ulit yung fez ko! hahahahah! After the boxing session today! Hahhhahhaha! OO NA!!! Feelingerang palaka na ako! Bakit ba?! Bawal ang wishful thinking?!?! Hahahahah!

Pero kanina habang naglalakad papunta't pabalik ng bangko... homaygeds!!! my abdominal masels!!! THEY BURNED!!!! AT DI AKO FEELINGERA this time! may abdominal muscles akO! Di nga lang obvious! hahahahah!

Taenang yan! I just need to refrain from the 2 pc Chicken Joy after each session... next time 1 pc na lang! HAhahhaah! Tapos next, next time... wala ng coke! Dahan-dahan lang para di naman ako mag-seizure bigla sa gutom!

Hay sarap mangarap!!! Excited na ako for next month!!!

Boxer na me again!

After 500 years! gumalaw na ulit ako! Mwahahaah!

Nag-box kami ni Carla kanina, si Art naman nag-Muay Thai. Kaya naman sobrang ngalay yung arms ko ngayon! May belated birthday celebration dito sa office ngayon at habang kinakantahan namin yung celebrant ng "Happy Birthday" eh may kasabay na palakpak... eh kaso nung second round ng kanta biglang sabi ni Sheila... "Yung mas lively!" i.e. mas mabilis na palakpak...

Believe me... I tried! I really tried! Kaso di kinaya ng arms ko! ahhahha! pakshet! napagod ako sa pag-palakpak in a faster beat! Hahhah! Well sabagay... sobrang ngalay nga kanina yung kamay ko sinusubukan ko lang isawsaw ng matino yung chicken ko dun sa gravy... and in the middle of dipping the chicken... kelangan ko mag-change hands kasi napagod na yung isang arm ko kakalift nung tinidor with chicken! Paker!

But heniwei! YEHEY! bumili kami ng coupons kanina! (10 coupons => 1 session/coupon, valid for one month) In short! 10 sessions ako in one month! so may 2 sessions ako per week at the very least kung ayaw ko magsayang ng salapi! Hehehe!

At kaya naman malakas loob ko kasi may kasabay na ulit ako! I MISS KOVER AND KAI!!! Taena sayang kasi yung sa Ortigas na Elorde kasi di namin ni Kai nasulit yung sessions naming worth million dollars kasi pareho kaming tamad ni Kai HAhaaha! At least this time, may kasabay akong vain i.e. art! Hahaah! Gusto kasi karirin yung abs niya! JOKES lang Art! Pero half-meant! Hahaha!

At pwede ako makisabay sa kanya so makakatipid ako ng pamasahe!!!! WAHAHAHAHHAHH! at papayat na ako kasi wala na akong pambili ng pagkain kasi pinangbayad ko na sa session!!! Hahahah!

Bottom line: papayat na akooooo!!!

ay shet... yung matitipid ko pala sa pamasahe... san ko kaya gagastusin.... AY TAMA! may tinatawag nga palang monthly bills! hahahaha! pde ko idagdag sa pangbayad nuN!

Friday, April 1, 2011

Nakakabato ang elearning!!!

Nagbabasa ako ngayon ng modules na ni-require sa amin ipabasa. NAKAKABATO!!!!!!!!!!!

KONTI NA LANG MAGIGING STATWA NA AKO!

Brrrr.. It's cold in here!

Anakngtipaklong! Antok na nga ako. Tapos malamig pa!

Kumot at unan na lang kulang! KAMOWN!!!

Don't tempt me!!!

BU-SOG!

I'm sleepy. Just ate HAKAW.

Work... Yes... I need to work.

But I'm suuuuuupeeeeeer sleeeeepy!

Happenings.

Hmmm. Work... Ayoko pag-usapan! Hahaha panira ng good vibes! Hahaha!

Not work... hmmm. Nag-dinner lang kami nila Emman at Rika (gradeschool prens) sa Sizzling Pepper Steak sa Piazza. Bigla na lang nag-text kasi si Emman... kasama daw niya si Rika. Dito na rin pala kasi si Emman sa may Fort area nagtratrabaho. At dahil ako ay walang ride, demanding forever na puntahan nila ako! hahhaha!

At tong si Rika naman eh malapit rin lang naman pala din dito nakatira. Somewhere lang sa Kalayaan. Nung makita ko sila tinanong ko kung bakit di kasama si Nicole (another gradeschool friend na pinsan ni Mama... pero kaedad ko at naging kaklase ko nung gradeschool at sa may St. Luke's nag-wowork), ayun naman pala umuwi ng Catbalogan yung bruha. Death anniv ata ng lolo niya.

So anyway, ayun... at dahil last time si Emman yung sumagot nung kinain namin... ako naman taya this time. At dahil ayoko na gamitin cash ko kasi reserved for my bills yun, napilitan na naman ako mag-cc. Shiyet!

Hahaha! As always kamusta kamusta ng mga sangkatauhan. Si Omar di na raw masyado nag-e-english! Hahahaha! Si Redgie, going strong with his g-ep. Si Vernon kalive-in na yung g-ep niya. Si Des (yung girl na Des... hindi yung boy... hahahaha! Labyu Boy Des! Hahaha!) naman nasa Amsterdam daw at nag-aaral. Bruha! Daya! Last year dito pa yun sa Pilipinas at nagpapaka-golden heart sa isang NGO company. Inggitera lang ako. Hahaha! May mga bading rumors rin as always. And as always puro haka-haka lang at hindi confeermed! hahahah! Ngayon ko rin lang nalaman na niligawan si Rika dati ni Ace at Jay! HAHAHAAHAHAHAHAHHAHAHA!

Anyway, tong si Rika naman na huling balita ko eh nag-aaral ng Law... at nung 2009 eh pinangakuan ko na sa January 2010 eh payat na ako (Hahaha bolsyet talaga ako mangako lalo na pag weight related! Hahaha!).. eh working freelance of whatever daw! HAhaha!

Haaaaay! Shet kelangan makapag-dinner ulit kami... tapos si Rika naman papakain.

Hmmm... san ba pde magpakababoy pero di ako masyadong bababoy?