Disclaimer: This post focuses on my adorableness! Beware! Hahahaaha!
Mwaahahaha! anakngtinapa! In fairness sa una kong PM! Nakakatats!!!
Inemail na kasi yung bagong allocations namin. Apparently, di na ako allocated sa unang project ko kasi patapos na rin naman siya. Akala ko ganun ganun na lang yun kasi medyo madalas naman yung lipatan ng resources across the projects na hinahandle namin lalo na pag patapos na.
BUT NO! Nag-email siya tapos naka-cc yung TL at PM namin dito sa Pilipinas! O ha! Ayus din sa records yun hahaha!
eto excerpt:
"I'd just like to be the first to say a massive thanks for all your hard work, commitment, and high quality of work throughout, always going above and beyond."
-- Hahahhha! Very generic di ba?! pero eto pa...
"[...] when I'm next in the office will give you a call for a personal thanks."
-- O ha! Nakakatats di ba?!??! Pero agjuli... naisip ko lang sa part na to... NOOOO!!! Wag kang tumawag!!! Di ako marunong mag-small talk!!! We'll at least with this particular PM... medyo serious-serious at workaholic kasi tong PM na to. At least kasi yung isang PM na nakaka-joke-an ko... humihirit din kaya madali i-small talk (and yes! English ang small-talk at hiritan namin! BONGGA AKO! hahaha!)... eh kaso tong isa... TAENA malamang sa malamang eh nakangiting-tae lang ako pag tumawag to... ang masama pa dun... di mag-cocome across yung adorableness ng ngiting-tae face ko kasi di naman naririnig yung ngiti... maririnig niya lang yung huni ng very loud aircon namin kasi di ko naman alam sasabihin ko sa kanya! Shet! Hahahaha! AKO NA! Ako na ang malaki ang problema!
Pero natuwa rin pala ako nung lumapit sa akin yung PM namin dito kasi nagtataka daw siya kasi akala daw niya kung san na ako mapupunta kasi nga naka-cc rin siya dun sa email... kasi parang magreresign na kasi ako sa dating nung email hahhaha! Tapos yun naman pala eh malilipat lang daw pala yung allocation ko... nagtataka daw siya kung ano daw ginagawa ko kasi yung isang PM namin na pumunta dito sa Pilipinas (yung nauto kong kumain ng bagoong! Hahaha!) ako lang yung ni-hug... yung iba daw puro shake hands lang, kahit yung mga araw-araw niya kasama ng lunch (di niya kasi ako nakakasama ng lunch kasi HELLO! I'm Naomi! Hahahah! Di ako umaabot ng lunch!).
KASALANAN KO BA KUNG ADORABLE AKO!?!?! Hahaahahahahah!
No comments:
Post a Comment