Monday, December 1, 2014

Sinong artista?!

And yes, I forgot to tell the tale of my artista moment in Vigan.

Last hour and last day sa vigan, 45 min before the scheduled check-out, suot ko yung binili namin nila mama na I Love Vigan shirt kasi we're cool that way! Nakauniform kami nung last day. Habang naglalakad sa Calle Crisologo at kumakain ng dirty ice cream na nabili sa may labas ng Max na resto (kung saan pinagkakaguluhan nung dalawang babae yung life-size na cutout ni Coco Martin, sorry pero di ko talaga gets yung fascination, kung cutout ni Jerry Yan siguro baka nakipagtulakan din ako), one turn away bago mag-Hotel Luna, may nakita akong mga wooden boxes na cute. Parang jewelry box pero simple lang, hinawakan ko kung it felt as smooth as it looked kasi napapaisip ako bumili... Kaso walang mahagilap na good enough silbi yung utak ko for those tiny boxes nang biglang may lumapit sa akin na bata (teenager na girl) na may hawak na digicam... Sabay sabi... "Ate picturan kita ng stolen."

Hindi ka nagets sinasabi niya kasi busy pa utak ko kakahanap ng rason para bilhin yung box. Sabi ko, "Gusto mo picturan kita?" May hawak rin kasi akong camera, usually pag turista mode ako may mga nagpapapicture talaga lalo pag nakalabas camera ko. Akala ko kasi baka hindi tagalog yung salita niya, baka iba ibig sabihin ng words niya sa actual niyang ibig sabihin.... Kaso ngumiti lang siya sabay ulit, "Picturan kita te ng stolen, ok lang?" Sabay nguso dun sa mga hinahaplos kong box...

Ako naman tong aanga-anga: "huh?... Ah... Ok" sabay tingin ulit dun sa mga box, kagat sa ice cream ko, at isip ulit kung tama ba intindi ko sa kanya at kung magagamit ko nga ba talaga yung box... Nung nakita ko sa peripheral ko na nakashot na siya, biglang ngumiti aa akin yung bata sabay takbo pabalik dun sa mga kasama niya...

Hanghirap ng model!!!! Hahahaha! Pero after niya tumakbo, naisip ko na lang... Dapat di na siya nagpaalam kung gusto niya talaga na stolen yung shot!!! Shet! Feeling ko sagwa ng acting ko sa picture na yun! *confused* + *bibilhin ko ba to?* look malamang yung nacapture niya!

Late ko na naisip na sana nung nakikita ko na siya na huma-half press... Bigla akong lumingon sa kanya, sabay BAHM!
Stolen your face!

posted from Bloggeroid

Bevor i vorget... Nag-Vigan nga rin pala kami!



Eto view dun sa rooftop ng Hotel Luna.

Masaya naman sa Vigan, marami kainan. Hahaha! Kaso medyo konti yung pwede makita dun. Hindi ganun kasulit balik-balikan kasi di ganun kaconvenient yung transpo kung poorita ka. Saka medyo nasstress rin talaga ako pag tinuturing akong turista ng mga tao sa paligid, i.e. bibili ng lahat na pwedeng bilhin na touristy stuff. Ayus lang yung ganun pag di ko naiintindihan yung tao, kaso pag nagegets ko sila... Feeling ko napakalaki ng pagkukulang ko bilang turista kasi di ako nakatulong sa ikabubuhay nila. Yeheesss!! Akala mo may konsensya! Pero yep, tinatablan rin naman ako nun paminsan minsan.

Pero at least, Vigan?! Check!!!!

posted from Bloggeroid

Kinikilig ako!!!!!

Hahahahhaha! Homaygeds!!!! Excited na ako for July!!!!

Dapat China destinasyon ko, kaso... After Taipei, ahm, Taiwan na lang ulit! Di ko pa alam ano weather by July sa Taipei pero sabi nga ni kuya Rico dati... I DONK KIR!

Tinatamad rin kasi ako ayusin yung China trip, hahahah! It's so purty sa Taiwan at bitin ako sa ikot sa mga hiking trails nila, at since medyo alam ko na pano pasikot sikot dun, dun na lang muna! Andiyan lang naman China, next time na lang siya. Hahahaha! Sheeet!! Dapat natutulog na ako kaso nahihirapan ako tumigil magresearch ng mga cheaper places to stay in saka yung iba pang lugar na pwede ko puntahan! Homaygaaaarsh!!!! Sana July na! Sana may piso fare na!!!!

posted from Bloggeroid