Wednesday, February 8, 2012

Bye Tito Nonong...

Ngayon ko lang inattempt isulat to kasi everytime naiisip ko na wala na si tito naiiyak ako. Still remains true right now. Ayoko pa sana isulat to kaso parang unfair na di malaman ng mundo na wala na yung isa sa kakarampot na matinong taong nanirahan dito.

Siyempre tito ko siya so malamang alam ko naman yung general kwento behind his death. Pero naisipan ko pa rin i-google kung may makikita ba akong news about it sa net. Meron naman. Kaso di ko maaccess.
======================================================================

Ang tito ko na kilala ng Iloilo bilang Mayor Zafiro S. Palabrica ay kilala naman naming magpipinsan as Tito Nonong. Di ko na ikukuwento yung accomplishments niya kasi pwede mo yun i-google. Ikwekwento ko na lang kung pano ko siya kilala.

Pito sila nila Papa. 4 sila na lalaki. Siya yung panganay na lalaki, papa ko naman yung bunsong lalaki.
(The other brothers: Si Tito Otto ko, di ko na nakilala. Di pa ako pinapanganak ng pinatay siya. Paborito niyang kanta yung Aubrey na ipinangalan naman sa kapatid ko. Si Tito Ilo naman, bihira ko lang makita.) 

Despite the age gap (70 si tito, tito sorry kung mali, tapos 60 naman si papa) and the geographical gap between them (Iloilo based si tito, pakalat kalat naman yung tatay ko) siya yung kapatid ni Papa na pinakamadalas kong makita. Pinupuntahan niya kami madalas kung san man kami nakatira.. Samar, QC, Subic, etc. Kami naman, madalas nakikitira sa bahay nila Tito pag pumupunta kaming Iloilo. Bingawan kasi yung madalas namin na destinasyon.

Dahil sa mga project niya sa probinsya... alam ko kung ano yung best na "farm vacation". Agriculture kasi ata dati yung focus ng projects niya. Basta, dabest talaga pag umuuwi kami ng Binggawan dati. Probinsiyang probinsiya talaga but NEVER naging boring.

I remember him being excited about the little things nung maliliit pa kami. Yung tipong ipa-experience sa amin yung pagsakay ng kalabaw for the first time. Ipakita yung bago niyang project na mga fish pond. Siyempre kaming mga bata di naman alam yung halaga ng mga project niya pero pag siya nagkwekwento maeexcite ka kasi talaga, kasi kasama ng projects ay yung adventure that comes along with it.

Nung medyo matanda-tanda na kami alam ko kakampi naman siya ni Papa sa paglecture sa akin sa kung pano wag magpa-api sa lalaki. Not that I needed it, pero siyempre nakinig pa rin ako. Mabait ako eh. Hahaha! Pero yun nga, I remember naglelecture silang dalawa kung anong uunahin kung suntukin/sipain sa lalaki/babae kapag daw biglang may attacker. Di ko na maalala kung sino exactly yung nagsabi ng alin kasi pag nagsalita yung isa mag-aagree lang yung isa tapos elaborate with actions. Pag lalaki daw, i-karate chop ko daw muna yung adam's apple sabay dukot sa mata. Kasi pag tinamaan adam's apple di na makakahinga agad yun. Double attack kaagad para wala ng chance gumanti. Pag babae naman daw, sipa pa rin sa groin/grab ng boobs/suntok sa tiyan... kasi kahit wala tayong balls na girls masakit pa rin daw yun pag sinipa mo ng malakas... yan ang lessons nila sa akin. Marami pa actually pero yoko na ikwento kasi baka may makabasang evil.

 Later on.. nung malaman ni tito na umaakyat ako ng bundok... unlike Papa and Mama na ayaw talaga ako umakyat... niyaya niya ako umuwi ng Iloilo para daw maakyat ko mga bundok dun. I kept saying.. "Sige Tito... pag nakabakasyon ako ulit sa Iloilo... promise ha?!"

Little did I know na yung magdadala ulit sa akin sa Iloilo eh yung pagkawala niya. Sorry 'to. Di na kita makakasama umakyat o kahit man lang simpleng tambay lang sa likod ng bahay niyo.

Di man kita madalas makita. I always just knew na in few months andito ka na naman sa Manila/Subic... kaso ngayon... I'll have to settle for the few memories that I have of you. Ayus na rin siguro yung few... kasi feeling ko kung mas madami gaya ng meron sila Ping at 'te My... baka mas masakit rin yung pagkawala niyo.

Kita kita na lang sa mata 'to. Love you!