Monday, August 4, 2014

Wrong

I don't like being wrong.
I try to avoid situations where I allow myself to be in a situation where I can't properly defend myself because I WAS WRONG.

When I am not sure, I usually shut up for fear of saying something wrong.
Kaso, minsan, I misjudge and I say something to someone with the assumption that that someone was not a shitface anymore. Eh kaso... they still are.

Note to self: Judgments I made as a kid are not necessarily wrong especially when it came alongside experience as proof. An asshole is sometimes simply just that --> AN ASS HOLE. Kahit anong mamahaling brip o panty pa ang isuot mo to cover it up. The cover-up will never change that hole. Di niya gagawing ginto yung taeng lalabas dun. It is and will always be an ass hole that will churn off shit na mabaho at kadire.

Tuesday, January 14, 2014

Evolution of my Cellphones

1997. This was the first time I got a cellphone and only because I had to leave home to study in a school far, far away. I remember the service was provided by SMART Communications. I don't really remember what the brand of the phone was but it looked very, very, very similar to the pic below. Yes, including the phone cover. Saktong sakto sa bulsa ng palda ko nung high school.


1998. Upgraded to Panasonic GSM. Globe na ako starting from this point. 0917-415-8714 yung number ko dati. Kaso nawala ko yung sim nung around 2003-2004 sa HK kasi magaling ako. Kaya wala na! Downgraded to a 0927 number ako. I forgot the exact model name, but I had the exact model shown in picture below. Naupgrade lang kasi biglang bumili yung tatay ko ng Nokia 5110 and he had no more use for his phone, so he gave it to me. Yey me! Ang cool ko kasi lumiit yung phone ko!

 
1999. NOKIA 5110 in da haws!!!! Again, donated by father dear. Bumili kasi siya ng Nokia 8210. Kaya akin yung tira-tira niya na naman. Mas cool yung sa akin kesa sa picture sa baba kasi haller! personalized yung cover! May eagle! Hahaha! Napunta to sa kapatid ko when I got my next phone.


2000. Ang una kong brand new na cellphone after my 1997 phone. Dahil naloko ko ang tatay ko! Mwahahah! Labyu pa. Sabi niya kasi pag nag-top ako sa batch namin for that quarter bibilhan niya ako ng bagong cellphone (alam niya kasing imposible). Sabi ko... Pa, masyado naman imposible yan. Pag nag-top na lang ako sa class namin, sabi ko. Sabi niya, Sige kahit sa class niyo na lang. Hindi ko naman alam na papayag siya. Sabi ko, pramis Pa? Bibilhan mo ako ng bagong cellphone pag nag-top ako sa class namin? Sabi niya, oo nga bibilhan kita. Naalala ko nasa Davao kami ng time na to. Dun kasi siya assigned nung time na yun. Ang hindi niya alam, lumabas na yung results for that quarter, hahahaah! Nag-top na ako sa class namin (for that quarter lang! hindi ko alam anong milagro nangyari sa quarter na yun). Sabi ko, Pa tara punta na tayo ng mall. Top ako sa class ngayong quarter! AHAHAHHHAHAH! Hello 3310! Hello SPACE IMPACT! Ang cool ko dati dahil sa Space Impact! Ako lang may game na ganun sa cellphone ko!

2002. Hello 6310i! Yes don't forget the i! hahaha! Di ko actually alam ano yung difference ng may i saka yung wala. Alam ko lang may i yung model nung akin. Ito yung favorite cellphone ko ever. So sleek and simple lang. Masakit lang sa bangs yung kulay ng screen kasi yellow. Pero coolness na yun dati. Nawala yung 0917 SIM ko habang pinapalitan ko yung SIM sa cell na to with a HK SIM.. kasi MAGALING AKO! Dinonate ko yung 3310 ko sa pinsan ko.

2003. Dahil nagpakyut ako kay Papa! Hello my dahon phone! Ito na yung pinakamatagal kong cellphone to date! Nokia 7600. May bluetooth! At may camera! Hallernesss!!! At mukha pang laruan! Sino ang cool?!?! AKOOOO!!!! hahahahaha! This phone lasted for 6 years.


2004. Dahil umuso ang SUN sim dahil sa unlicalls. Napabili kami ng  ganito sa Greenhills.

Well, mukha siyang ganito... pero not exactly Nokia kasi naghanap lang kami ng mumurahing cellphone. Akala namin Nokia nabili namin, pero pagkauwi sa bahay... upon inspecting our cheaply bought new phones... NOIKA pala yung brand niya! hahahah!

So I had my 2003 and 2004 above.... pero di naglaon inabandona ko rin yung NOIKA ko at yung dahon phone ko na lang natira sa akin... hanggang sa maghikahos ito nung 2009. And even then, I had hard time letting go. Kung di lang kami pupuntang Thailand nun at di ko kailangan ng mas reliable phone na hindi kailangan ng flashlight para mabasa ko yung messages kasi bumigay na yung backlight niya.... di pa ako bibili ng phone....

Kung kaya naman... noong 2009. I bought my phonena hanggang ngayon eh phone ko pa rin! MABUHAY ANG XPRESS MUSIC NOKIA 5130i!!!! Don't forget the I!

Eto siya noon...


Pogi di ba?!?!? Pero eto na siya ngayon after mahigit 4 yrs...

Ayus pa rin di ba? Kung hindi nga lang sana 8 hours lang yung buhay niya...

Iniisip ko palitan... ng Xpress Nokia ulit hehehehehe! Ayoko kasi ng touch phone... unless bigyan ako di naman ako tatanggi... pero I like the functionality of this phone. May tab na ako na medyo kumakain na sa oras ko kasi mababa EQ ko... di ko na kailngan dagdagan ng smart phone yung buhay ko. Isip ko pa ano next phone ko.... ano kaya ok? Ayoko naman bumalik sa black and white na phone. Or yung black and yellow. Kahit pano naman naappreciate ko naman aesthetics at radio capabilities nitong xpress Music... iniisip ko kung may better model which is not a smart phone. Hanap hanaP!

WHY AM I SO WISE!??!?!!?

My wisdom teeth are killing meeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!
Nagpapanonobra na tak tango ha ak baba!!!!!!!!

Thursday, January 2, 2014

HELLO 2014!

Bye 2013.
Hello 2014. 

Yan parati ang drama sa bagong taon. 

New Year Resolutions? I don't really believe in those. I believe in trying to reinvent yourself to becoming a better you every chance you get, hindi lang sa New Year.

But then again, January is always a good place to start. Kaya makikisawsaw na rin ako sa bandwagon and say THIS IS IT!!!!

2014 Here I come!!!!

I am not delusional enough to say na magiging matibay ako sa mga "resolutions" ko. I'd probably fail somewhere along the way... pero as long as di ako malumpo... babangon at babangon ako! HUHA!

Things to work on:
- savings, be consistent. Wag tamarin pumuntang bangko para magdeposito.
- eat healthy. Wag tamarin magprepare ng pagkain.
- read your Bible and pray everyday. Yep, kinakanta ko to sa utak ko.
- sleep enough. Wag masyadong adik sa games, movies, koreanovela. Chill lang, anjan pa rin yan bukas.
- mag-exercise tuwing umaga... or gabi... whatever works. Again, wag tamad!
- maglinis ng bahay. Totohanin ang threat sa magulang na itatapon ko na yung mga gamit nila na hindi nila kukunin sa bahay. Chos! As if kaya ko i-threaten magulang ko. Dito... dito ako mahihirapan. Hahaha!

Priority:
- be more vocal about my beliefs. Di dapat ikinakahiya maniwala sa Diyos at manindigan sa kung alin ang tama at mali. I tend to shy away from conversations involving religion. Ok, not really religion. I could not care less about religion. It does not do anything for me, wrong religion at least. One must know the distinction between religion and believing and following God. The 2 are not always exclusive. 

As I was saying, I tend to shy away from conversations involving God because I do not want to be involved in an argument that I could lose. Debate wise, alam ko pwedeng pwede kasi ako matalo. And boy do I detest losing. Not that hindi ko paninindigan yung paniniwala ko, more that alam ko kasing kulang ang kaalaman ko para makipag-debate ng live. Hindi ako yung tipong kayang humugot ng kaalaman para depensahan yung pinaninindigan ko ON THE SPOT. Kailangan ko umupo, pag-isipan, at i-research ang mga bagay-bagay. 

Saka, isa pa. Hindi rin kasi ako perpektong tao. Mahirap kasi magsalita na akala mo maka-Diyos ka kung yung buhay mo mismo does not exactly reflect God's ways. Sabi nga nung kanta, I try, oh my God, do I try. Kaso sabi nga rin sa bibliya, "the spirit is willing, but the flesh is weak."

But then again, sabi nga nung tatay ko dun sa kaibigan ko na di naniniwala sa Diyos because of the inconsistencies in the life of Christians who profess Christ: "Christ is perfect. The Gospel is perfect. Do not blame the Gospel for the inadequacies of man."

In short, tao lang ako nagkakamali, pero perpekto ang Diyos ko. Di ko man kaya depensahan ang sarili ko, ang Diyos ko, at mga katuruan niya sa mga argumento ng mga tao dito sa mundo para i-justify yung mga ginagawa nilang kamalian, I know God has my back. Siya na bahala.

Monday, July 22, 2013

NAKAKAMISS NA UMAKYAT!!!!!

Nakita ko yung isang post ni SPV sa FB. Level 1A na akyat ng mga aplikante. Dahil yung pictures ng bundok eh mukhang rolling hills lang... at mukhang kaya ko at my current fitness level...

NAMISS KO NAMAN BIGLA UMAKYAT!!!!! Alam ko isusumpa ko yung sarili ko at lahat ng nilalang na nag-encourage sa akin na umakyat ulit (kung meron man at kung talagang umakyat man ulit ako)... pero nakakamiss talaga!!!!!!

Yung hirap, yung putik kung meron man, yung picture picture pag medyo nakaluwang ng hinga, yung kung anu-anong joke na maisip niyo ng mga kasama nyo para na rin pang-distract sa sarili kasi yung masels mo sa legs konti na lang pwede na ilaga kasi lamog na lamog na... o kung hindi man legs yung bumigay eh yung lungs mo naman na halos singliit na lang ng mani kung iisipin kasi halos wala ka na mahugot na oxygen kahit wala ka naman sa Everest o baka ako lang kasi sadyang weakling ako! ahahaha!

Tapos pag may nakasama kang mas lampa pa sa yo, hangyabang mo lang kasi feeling mo ang lakas lakas mo! ahahaha! Sundan sundan mo lang kunyari kasi susuportahan mo, totoo naman na susuportahan mo siya,... pero nakalamang ka rin ng pahinga kasi bawat pahinga nya, pahinga ka rin... Matulungin ka na nga.. mukha ka pang malakas! ahaahahah!

Kaso kung minalas malas at sobrang bagal niyo eh halos gabihin na kayo dumating sa campsite kkapahinga... saka mo naman gusto na lang hilahin sa buhok yung kasama mo para mapabilis naman kahit konti.

Pero kung nagkataon naman na ikaw yung super lampa... hhahaa which is always the case pag kasama ko UPM ahhahaha! Eh magpasalamat ka na lang kasi mahal ka nila at di ka nila iiwan.Pagtatawanan ka nga lang, pero ok lang kasi maya maya lang eh pwede mo na silang ututan lahat! ahahahah! SCORE!

Pero kung talagang sinwerte ka at halos same lang kayo ng level ng mga kasama mo at nakatsamba kayo ng malakas pero medyo tangang kasama (labyu Dom! I'm your number 1 fan! Mr Big Project! Sana di mo makita tong blog ko! hahah!) eh sabay sabay kayong maglalakad paakyat at pababa... pero tiisin lang yung extra lakad kasi pwedeng mawala kayo kasi may kasama kayong brilliant! ahahahah!

SHEEEEEEEEEEET! Gusto ko na umakyat ulit! Kelangan ko na talaga gumaan ulit! Nagsisimula na ako tumakbo ulit... Dahan dahan lang! One step at a time.. pakyut na takbo muna.. then bundok here I come!!!!!!!!!!!

Wednesday, July 3, 2013

may crush ako dito sa MA opis namin!

Hihihihihihi! Anaknangshet! hahahaah! Nasabi ko na naman to di ba? La lang! Gusto ko lang sabihin ulit! Hihihihihihihihi!

<"HYSKUL MODE">           : ON
<"MAY MEANING LAHAT">     : ON
<"LOGICAL MODE">          : AUTO DETECT SITUATION
<"MATURE MODE">           : OFF
<"CONCENTRATION SA WORK"> : OFF
<"PERIPHERAL VISION">     : ON/OVERDRIVE (kakacheck kung siya ba yung dumadaan sa may cubicle ko)
<"BALIW MODE">            : ON, onti lang pundi na 'to kung talagang may switch 'to.
hahahahahahaha!!!

Monday, July 1, 2013

ALAY LAKAD.COM

Kahapon, nag-MIT kami. Ok naman. Puro building. Mukha ngang school. Maraming laboratories na nakakalat... according dun sa mga labels sa gilid ng buildings at least. Pero wala masyado mapicturan. Wala rin masyadong tao kasi linggo saka bakasyon rin.

So after ng mga pwedeng mapicturan... sabi ko Harvard na kami... naisip ko 2 train stations away lang naman yung Harvard Station dun sa Kendall/MIT station. Sabi ko sundan lang namin yung Charles River.

Si Gem at Rommel, ayaw maniwala sa akin dun sa daan... feeling nila mawawala kami. hindi nila alam na parati akong tama eh. Pwede kami bumalik dun sa train station kung san kami galing... pero ayoko na balikan kasi kuripot ako saka gusto ko na rin lakarin na lang kasi at least may iba kaming makikita... at wala rin naman kumokontra dun sa lakad plan... Yung kinokontra nila yung direksyon lang na tinuturo ko... so ayun tuloy pa rin kami sa lakad...

Nauuna kami ni Von sa lakad kasi bagal mode si Rommel at Gem... apparently nagtanong daw sila Rommel at Gem dun sa isang local nung medyo malayo layo kami ni Von kasi nga naduduwag yung dalawa mawala, eh tama naman nga yung direksyon na sabi ko... kasi nga parati akong tama... so ayun... direcho lang ng lakad.

Ayus lang maglakad kasi kahit tanghaling tapat hindi tirik yung araw... tapos katabi pa namin ilog, so mahangin so di talaga nakakapagod masyado...

1150AM kami umalis ng MIT. Around 1210... wala pa rin pamilyar.. Kami ni Von naisip na rin namin magtanong kung gano pa kalayo...sabi nung manong 20 minutes na lang daw na lakad... After 20 minutes.. wala pa rin pamilyar! Hinahanap ko yung Weld Boathouse kasi yun yung landmark na tinandaan ko dun sa may ilog. Konting lakad na lang kasi yung campus pag nakita mo na yung boathouse.. kaso potek la pa rin yung tangnang boathouse...

Tapos biglang nagpakitang gilas si Haring Araw! ANAKNANGSHET! UMINIT BIGLA! pero naisip ko sige konti na lang! Medyo kinakabahan na ako... hindi dahil sa takot ako na nawawala kami... kasi alam ko tama direksyon namin... more of.. baka kasi hayblad na si Rommel at Gem kasi malayo layo na nalakad namin pero la pa rin kami.. hahahah! isip ko baka sinusumpa na nila ako sa mga isip nila hahahahah!

Si Rommel bumili na ng coke dun sa snackshop ng Shell na nadaanan namin. Ako, push pa rin! AABOT TAYO NG HARVARD!!! DUN NA TAYO KUMAIN! Si Gem grumpy na kasi gusto na rin kumain (eh ako nga gutom na pagkababa pa lang ng Kendall Station eh, pagkaapak na pagkaapak sa lupa ng MIT gutom na ako,.. so isip ko kung kaya ko tiisin.. kaya niya rin! Saka may sandwich naman siyang baon... so kung mahihimatay na talaga siya.. alam ko kakainin niya yun.. kaso gusto niya raw may kapeng kasama yung sandwich.. so di ko na kasalanan yun)... so lakad lakad pa... taenang 20 minutes yun!

Lumipas at naglaho na yung 20 minutes na lakad... wala pa rin kami sa Harvard... pero buti na lang! May nakita kaming ice cream truck! hahahhaahah! Bumili kami lahat ng ice cream! Ayun masaya na ulit kami! Hahahahhahah!Di na nila ako lulunurin sa ilog!

Then after a few more minutes... HELLO boathouse!!!!! hahahahahhahha! Welcome to Harvard!!!! SABI KO NA TAMA AKO EH! Dumating kami sa may Harvard Square around 1:10PM hahahhahahah!

Alay lakad DOT COM!